Hamon, Queso de Bola, Bibingka at Puto Bumbong

Di tulad ng dati, hindi na kami mahilig kumain. Dati-rati’y palaging puno ng kung anu-anong masasarap na pagkain ang aming refrigerator sa tuwing sasapit ang araw ng Pasko. Talaga namang may mga tsolalete’t kendi, mansanas at ubas, at fruit salad pa nga, na kung sa tutuusin, wala pang sino mang nakakagawa ng timpla ko, at lahat din ay nagsasabing pinkamasarap ang fruit salad ko. Simple lang yon, sa totoo lang, at siyempre, recipe ni mommy.

Pero ngayon, hay, wala ng puyatan para magdikdik ng mani at binusang bigas para sa karekare. At wala na ring relleno o morcon o embotido o mechado, arroz valenciana o potato salad, na siya rin specialty ko, ha ha!

Kasi nga, hiwa-hiwalay na rin kaming mag-anak, at yung mga kamag-anak na malapit, and dami rin nilang commitment na mahirap talagang maghanap ng isang araw na libre ang lahat. Kaya nga, sa tuwing araw ng Pasko, simple lang kaming mag-iina, nagsisimba at kapagdaka’y nagdadala ng aguinaldo at carbonara sa mga kapamilya’t kaibigan. Tapos, nananatiling tahimik sa loob ng tahanan, nagpapasalamat sa pagsilang ng Mesiyas.

Pero nung isang araw, napatigil kami sa may simbahan dahil maraming nagtitinda ng bibingka at puto bumbong. Ang bango ng amoy ng bibingkang nakabalot sa dahon ng saging at niluluto sa uling. Yon ang amoy ng Pasko! Kaya siyembre, nag-order na rin kami ng tig-isang balot ng bibingka at puto bumbong. Masarap, siyempre, lalo na’t may konting niyog at mantikilya.

At nung isang gabi, may dala naman si Jean na hamon at queso de bola.  Aguinaldo daw ng pinagtratrabuhan niya. Ha ha, matagal na rin naman kaming di bumibili ng hamon at queso de bola. Kaya’t tinikman namin ng kaunti, ibinalot sa pita bread. Wow, lasang Pasko nga.

Maraming bagay, lalo na’t sa pagkain, ang nagpapagunita sa atin ng Pasko. Pero sana’y, sa pagsapit nito, maalaala natin ang tunay na diwa nito, ang pagsilang ng ating Diyos. Kapagdaka’y ipagdasal natin ang ating mga mahal sa buhay, na sana ay mapanatili sila sa mabuting kalagayan, masaya at matahimik. Walang dasal na hindi ipinagkakaloob ang Sanggol na si Jesus.

 

1 Comment (+add yours?)

  1. letter of recommendation
    Dec 27, 2011 @ 06:23:06

    lol

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: